Matapos ang huling entry ko, ako'y muling nag balik. Nakakaiyak. Nakakalungkot. Marahil alam nyo na kung bakit. Nakuha ko na ang gradeslip ko.. Nang mahawakan at mabasa ko 'to, hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako. Pero syempre, NALUNGKOT ako. Umiral saglit ang pag ka-pilosopo ko, pero nawala ito agad, at napalitan ng mumunting mga luha sa aking mga mata, na tila ba'y nahihiya pang lumabas. Natuwa ako nang makitang wala akong 2.75, pero naluha ako ng nakita kong may tres ako. Sa loob ng halos tatlong taon ko sa kolehiyo, Pers taym ko nag ka tres. Ngayong sem lang, at di lang isa, kundi kambal pa. Nasaan na ang dating mga uno chorva kong grades? bakit tatlo na lang ang naiwan? Nagulat ako, pero syempre konti lang yung pag ka gulat ko. Alam ko naman kase kung bakit ako nag karon ng tres. Lagi kasi akong umaabsent, nag cu-cut at hindi gumagawa ng mga homeworks. Tinatamad kasi ako. Tao lang din po ako, tinatamad din.
Pasado naman lahat ng mga exams at quizzes ko, Matataas pa nga eh. Yun nga lang pag kailangan ako, hayun wala. Talo sa attendance! Nasa galaan ako, o kaya natutulog. Hindi naman sa grades nasusukat ang galing ng isang estudyante.. (defensive) kase alam ko magaling ako. Nag kataon lang na natalo ako ng katamaran na mahirap labanan. At may mga prof lang na sadyang may pinapaboran.
Nakasalalay sa papel na hawak ko ang kinabukasan ko. "May tres ako, Paano na ang pangarap kong maging cumlaude? Paano na ko? Ipapatapon na ako sa malayong lugar.. Di na ko mag aaral, mag aalaga na lang ako ng mga hayop at mag aararo sa bukid." -- yan ang naiisip ko habang tinitignan kong muli ang gradeslip ko.
Lumipas ang mga segundo.. Minuto.. Oras...
Kinakabahan ako pag uwi ko ng bahay, naisip kong mag galit-galitan para di ako pagalitan, pero naisip ko na baka lalong magalit sa akin ang mga kamahalan dito sa palasyo. Kaya naman, tumahimik lang ako pag dating ko ng bahay. Inabot ang papel. Tulala. Iniisip kung anong pag kain ang kakainin ko dahil depress ako at.. at.. May biglang sumigaw. Ayan na, pinagalitan na ko..
Okey lang na pagalitan nila ko, kasalanan ko. Sinisisi ko ang sarili ko, Sinayang ko ang pera na dapat dinonate na lang sa mga nasalanta ng bagyo -- pero naisip ko bigla na, kabilang nga pala kame sa sinalanta ni pareng ondoy.
Habang pinapagalitan ako, iniisip ko na kung anong damit ang mga dadalhin ko sa Davao, inisip ko din mag pagupit ng buhok, kaya lang uli.. Naalala ko si Charlotte, (kilala nyo ba sya? yung cartoons na hacienderang bata?) Gagayahin ko na lang yung hairstyle nya. Iniisip ko din kung sa barko o eroplano ako sasakay.
At
Matapos ang halos dalawang araw akong pinapagalitan, kinukutya at inaalipusta. Inilabas na ang hatol para sa batang may doble tres ang grado. At, ang hatol ay.. BAWAS ALLOWANCE. Mabuti na lang at di na ko pupunta sa Davao, Mamimiss siguro ako ng mga kamahalan kaya binago nila ang parusa saken. Salamat naman! IWAS GALA daw ang BAWAS BAON.
Gaya ng ibang Prinsesa sa ibang palasyo sa ibang lugar, meron din akong second chance. Kaya naman, ang munting prinsesa ay heto na ngayon. Petiks-petiks muna. Sa Monday pa pasukan eh. At dahil nahiya ako sa sarili ko dahil may doble tres ako por da beri pers taym, ay nag pramis ako sa sarili ko na hinding hindi na ko mag cu-cutting classes uli. *SMILES*